Amo, inipit ang suweldo, 13-month pay dahil nag-resign ang empleyado

Pangalawa, hindi po sapat na basehan ang pagliban sa pagpasok or paga-apply sa ibang trabaho para i-hold ang suweldo ng isang trabahador. Ayon po sa Batas Trabaho (Labor Code), hindi puwedeng ipitin ng isang employer ang wages ng kaniyang employees. Depende po sa laki ng claim ninyo ay maaari kayong magfile sa Regional Director's Office (RDO) ng Department of Labor and Employment (DOLE) o sa National Labor Relations Commission (NLRC). Kung 5,000 pesos po o mas maliit pa ang inyong claim, sa RDO po kayo magtungo. Tungkol po sa 13-month pay, tandaan po na may mga rekisitos para matanggap ng isang tao ang kaniyang 13-month pay. Hindi lahat ng nagtatrabaho ay nakatatanggap ng 13th-month pay. Para po sa mas detalyado at mas ekspertong impormasyon, maaaring magtungo sa pinakamalapit na Public Attorney's Office (PAO).