Puwede bang magkontra-kaso vs.legal wife na may kabit din?
Una po sa lahat, ang mismong pagfa-file ng criminal complaint ay hindi po, sa ganang sarili nito, sapat na basehan para mag-file din ng kaso laban sa isang taong naunang mag-file laban sa inyo. Pangalawa, hindi rin po depensa sa batas na nauna si legal wife na magka-kabit para mapawalangsala kayo sa inyong kaso.
Kung sa tingin po ninyo ay talagang may lalaki din si legal wife at kaya ninyong patunayan ito sa korte, mag-file din po kayo ng criminal complaint. Ang basehan po ninyo ay ang batas ukol sa adultery sa ilalim ng Revised Penal Code.