Dapat bang pagaralin ang batang nadamay sa isang traffic accident?


Ang sagot po ay, siyempre, hindi. Una po sa lahat, hindi porque naka-motor ang kapatid ninyo ay awtomatikong siya na ang may sala. Maaari pong patunayan na wala siyang kapabayaan kahit na ang negligence niya ay "presumed." Pangalawa, sabihin na pong siya talaga ang may-sala, hindi pa rin niya obligasyon na pagaralin ang bata.

Ayon po sa ating Batas Pamilya (Family Code), ang obligasyon na pagaralin ang isang bata ay nasa kamay ng mga magulang nito. Kung obligasyon man ng isang may-salang motorista na ipagamot ang nasagasaan at magbayad ng iba pang danyos, dapat po ay may "reasonable connection" ang babayaran sa nangyaring aksidente. Sa kaso po ninyo, walang "reasonable connection" ang bayarin sa pagaaral (tuition and other costs) ng bata at ang nangyaring traffic accident.