Pulis, dapat umanong gumamit ng smartphone camera kung walang body cam
Reynold Villania wrote, "Mahalaga ang body cam sa isang police operation para malaman ang pangyayari. Kadalasan, nakakasuhan ang pulis sa alesgasyong nagnakaw, nanakit, nakapatay at iba pang paglabag sa batas. Kung may body cam, madali itong pasubalian ng pulis. Kung gumamit man ng pwersa , madaling mapatunayan na resonable at legal ang pagamit nito dahil maipapakita ng video. Sa madaling sabi, pag may body cam ito ay pwedeng magamit ng pulis at magamit sa pulis."
"Ang problema sa ngayon halos wala tayong body cam. Subalit, alam niyo ba na mayroong libreng application sa cellphone, nada-download lang sa internet, na ang tawag ay "Background Video Recorder" .Pwedeng magamit ng pulis kapalit ng body cam. Maganda ito pagkat tumatakbo siya kahit na naka-sleep mode ang cellphone. Hindi basta-basta namamatay kahit na magalaw ang screen. Ito ang pagkakaiba niya sa ordinaryong video ng cellphone na tumatakbo lang pag naka-open ang cellphone, at nao-off pag nadampian ang screen." (Solusyon sa Kakulangan Body Camera; Reynold Villania; January 26, 2018; Facebook)