Anong puwedeng ikaso kapag iniwan ka ng GF/BF ng walang dahilan?
Wala pong batas na nagpaparusa sa pagalis sa isang relasyon. Katunayan pa nga, karapatan ng isang tao na lumayo sa isang taong hindi na nagpapasaya sa kaniya or nananakit sa kaniya. Pero, kailangang tandaan na, kapag may panloloko o kapabayaan at may tinamong "damage" o "injury," lalong-lalo na kapag may pera nang involved, maaaring magsampa ng kaso for damages pero malabong-malabo po ang posibilidad na magtagumpay ang ganitong aksyon dahil sa karapatan ng isang tao na maging masaya.
Act 386's Article 19. Every person must, in the exercise of his rights and in the performance of his duties, act with justice, give everyone his due, and observe honesty and good faith. Article 20. Every person who, contrary to law, wilfully or negligently causes damage to another, shall indemnify the latter for the same. Article 21. Any person who wilfully causes loss or injury to another in manner that is contrary to morals, good customs or public policy shall compensate the latter for the damage.