Lex Loci Contractus; Article 17
Article 17. The forms and solemnities of contracts, wills, and other public instruments shall be governed by the laws of the country in which they are executed.
When the acts referred to are executed before the diplomatic or consular officials of the Republic of the Philippines in a foreign country, the solemnities established by Philippine laws shall be observed in their execution.
Prohibitive laws concerning persons, their acts or property, and those which have for their object public order, public policy and good customs shall not be rendered ineffective by laws or judgments promulgated, or by determinations or conventions agreed upon in a foreign country. (Republic Act No. 386)
Ang porma, pormularyo, anyo o dekoro, pati na ang mga rekisitos ng seremonya, ng [1] mga kasunduan, mga [2] huling habilin at iba pang mga [3] pampublikong kasulatan ay nasa ilalim ng batas ng bansa kung saan pinagkasunduan, ginawa o inihanda ang mga ito.
Kung ang mga pampublikong kasulatan na nabanggit ay ginawa o inihanda sa harap ng mga opisyales diplomatiko o opisyales konsulado ng Republika ng Pilipinas sa ibang bansa, ang mga porma, pormularyo, anyo o dekoro, pati na ang mga rekisitos ng seremonya, na hinihingi o ipinaguutos ng batas ng Pilipinas ang siyang masusunod.
Ang mga batas na nagbabawal patungkol sa mga tao, pati na ang kanilang mga gawa at mga ari-arian, at ang mga batas na nagtataguyod ng pampublikong kaayusan, patakarang pampubliko at magandang kaugalian ay hindi napawawalang bisa at hindi napawawalang saysay ng anumang batas o hatol na ipinapanukala o inilalabas sa ibang bansa o anumang pasya o kasunduan na ipinagtitibay o isinasagawa sa ibang bansa.