Dapat bang magbayad ng cash bond si employee?
QUESTION FROM A GROUP MEMBER: Hi, permission to post po. I hope you guys can give me some advice. Situation of a friend. Nag wowork po sa under ng AGENCY. 1 year po ang contract nya sa agency nila, pero yung company na pinag sendan ng agency sakanya, binayaran yung natitirang 1 month nya sa agency at pinilit syang I absorb ng company kahit ayaw nya. So ang nangyari po is panibagong contract nanaman under COMPANY na. Dahil nga po ayaw nya naman na I absorb sya ng company, nag resign nalang po sya. Dahil sa hindi magandang pamamalakad at malaki at sapilitang CASH BOND na binabawas sakanya every cut-off, na hindi naman pala ibabalik sakanya. Ang paliwanag naman po sakanya about sa CASH BOND ay installment daw po yun para sa ibinayad ng company sa agency para ma absorb sya. Na in the first place ay hindi naman nya gustong ma absorb ng company. Ngayon dahil po sya ay nag resign sa COMPANY, pinipilit syang magbayad ng Php 14,000+ dahil daw kailangan nyang ibalik ang binayad ni COMPANY kay AGENCY. May laban po kaya sya sa ganitong sitwasyon? Maraming salamat po. Sana matulungan nyo po kami. God bless!
Apat po ang mga issue dito:
[1] May bisa ba ang kontrata sa pagitan ni FRIEND at ni COMPANY?
[2] Dapat ba siyang magbayad ng CASH BOND?
[3] Dapat ba siyang magbayad sa COMPANY dahil sa naibayad nito sa AGENCY?
[4] Kaninong empleyado si FRIEND?
[1] Maaari pong mapawalang bisa ang kontrata sa pagitan ni FRIEND at ni COMPANY dahil ito po ay "sapilitan" ayon sa inyong kuwento. Ang tawag po dito ay vitiated consent at isa po ito sa mga tamang dahilan para ipa-annul ang isang contract.
Article 1390. The following contracts are voidable or annullable, even though there may have been no damage to the contracting parties: (1) Those where one of the parties is incapable of giving consent to a contract; (2) Those where the consent is vitiated by mistake, violence, intimidation, undue influence or fraud. These contracts are binding, unless they are annulled by a proper action in court. They are susceptible of ratification. (Civil Code)
[2] Ayon po sa Labor Code, hindi puwedeng piliting magbayad ng cash bond o deposit ang isang empleyado maliban na lang kung ito ay itinakda ng batas, nakasanayan na sa industriya o sinertifikahan ng Secretary of Labor na kailangang gawin. Sa problema po ni FRIEND ay hindi malinaw kung anong industriya ito at iba pang mga detalye na makatutulong sa atin na sagutin ng maayos ang katanungang ito.
Art. 114. Deposits for loss or damage. No employer shall require his worker to make deposits from which deductions shall be made for the reimbursement of loss of or damage to tools, materials, or equipment supplied by the employer, except when the employer is engaged in such trades, occupations or business where the practice of making deductions or requiring deposits is a recognized one, or is necessary or desirable as determined by the Secretary of Labor and Employment in appropriate rules and regulations. (Labor Code)
[3] Sabi po ninyo ay in-absorb na ni COMPANY si friend. Ibig sabihin nito ay may kasunduan na sa pagitan ng COMPANY at ni AGENCY. Kaya naman, hindi na dapat pang madamay si FRIEND sa gusot na ito. Katunayan nga, si COMPANY ang dapat magbayad ng daƱos kay AGENCY kung sakaling sinulot (inagaw) nito si friend kahit na walang pahintulot si AGENCY.
[4] Dahil hindi malinaw kung kaninong empleyado si FRIEND sa puntong ito, maaari nating sabihin na si COMPANY ang employer dahil sa kontrata nila. Malinaw na "subsequent" o nahuli ang kontrata sa pagitan ng dalawa, kumpara sa pagitan ni FRIEND at ng AGENCY. Pero, kung gagamitin ang argumento na walang bisa ang kontrata sa pagitan ni FRIEND at ni COMPANY, kailangan nating ikungklusiyon na si AGENCY ang employer.